Pag-amin



       I.            Pamagat- Aminin
    II.            Tema- Damdamin ng isang highschool student
 III.            Suliranin at Tunggalian- Paano aminin ang nadarama
 IV.            Tauhan- Marie at Dave
    V.            Tagpuan- Eskwelahan
 VI.            Kabuuan ng kwento

                     Hindi naman ako yung tipong sobrang ganda, hindi rin ako matangkad at hindi rin ako masyadong maputi. Pero isang araw sa loob ng grade 9- Love napasulyap ako sa isang lalaking gwapo, matangkad, at maputi at and pangalan niya ay Dave. Malayo ito sa pangalan ko na pang mahirap dahil ang pinangalan saakin ng aking magulang ay Marie. Kinabukasan nakaupo ko siya at tahimik lang siyang nakikinig sa aming guro nang araw na iyon paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang pangalan niya at hindi ko alam kung bakit  ngunit parang nakatatak na ito sa isip ko. Ilang araw pa ang lumipas at ilang bagong aralin pa ang aming natutunan, dumating siya san a mayroong sugat ang kaniyang hinlalaki at naawa ako sa kaniyang sitwasyon doon nagsimula kaming opisyal na nag-usap, napakasayang pumasok sa paaralan basta’t masilayan ko lamang siya.
                     Ngunit lahat ng magandang simula ay mayroong masaklap na kasunod, kung sa simula ay maganda an gaming pagkakaibigan ngunit pagkalipas ng unang markahan unti-unting nawawala ang paghanga ko sa kaniya dahil mayroong pagkakataon na mapapagod ka na umibig sa taong hindi ka naman gusto. Ngunit sa pagkakataong iyon napansin ko na siya naman ang may paghanga sa akin at hindi ko alam ang dapat gawin, may pagkakataong nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin at tuwing uuwi na ako hinahaplos niya ang ulo ko bilang pagpapakita ng paalam at sa tingin koi yon ang hindi ko malilimutan. Natapos ang ikatlong markahan binalewala ko ang nararamdaman niya dahil mas pinahalagahan ko ang pag-aaral kaya naman simula noon napapansin ko na wala na ang paghanga niya para sa akin dahil alam ko din ang ganoong pakiramdam ang mas masakit ay mayroon siyang nagustuhang ibang babae at kamag-aral pa namin hindi ko inaasahang masasaktan ako dahil doon , magaling man akong magtago ng nararamdaman ngunit hindi ko mapigilang magalit sa kaniya ngunit, wala na akong magagawa kaya naman kinalimutan ko na ang lahat  ng nararamdam ko para sa kaniya.

                      Tatlong taon na ang nakalipas grade 11 na ako maraming pagkakataon ko siyang nakakasalubong parang tulad rin ng dati, minsan nginingitian naming ang isat-isa at minsan parang hindi namin kilala ang isat-isa. Dahil sa tulong ng social media nakakapag-usap kami online ngunit sa personal ay walang interaksiyon hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pa siyang makitang muli bakit kailangan pang bumalik ang damdamin ko na matagal nang nakabaon. Gusto ko man aminin ang tunay kong nadarama ngunit natatakot akong mabalewala ang nararamdan ko at saan naman ako huhugot ng lakas ng loob, siguro nga normal lang ang ganitong bagay sa kabataang tulad ko pero hindi normal kapag nasaktan na ang puso ko dahil maraming bagay ang maaaring maapektuhan. July 26 na at kaarawan pa niya aamin na ako sa kaniya nilapitan ko siya sinalubong ako ng maganda niyang ngiti mabilis ang tibok ng puso ko inabot ko sa kaniya ang sulat na may nakasulat ng na gusto ko siya binasa niya ito at pagkatapos ay inabot niya ito saakin nginitian niya ako at sinagot ang gusto kong malaman tumakbo siya ng mabilis papunta sa banyo at doon ibinuhos ang kaniyang iyak. Pwede na yata sa mmk buhay ko, mahirap man lampasan ang problema ko ngunit may mas maganda pang kinabukasan ang sasalubong sa akin iispin ko nalang ang mas mahalga sa buhay at ito ang aking kinabukasan at  alam ko na dadating ang hinihintay ko sa tamang panahon. Hindi naman ako nagmamadali nakakalungkot lang na maging mag-isa sa mundo ngunit doon ako nagkakamali dahil maraming bagay ang maaaring magpasaya sa akin nariyan ang magulang at kaibigan ko nandito tayo sa mundo dahil mayroon tayong misyon at ito ay ang mabuhay ng masaya at ituring na  parang huling araw mo na sa mundo ang bawat araw.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Marjorie T. Pumihic