Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2017

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Manapeng, Samuel Jhon L.

Imahe
       Napapabago ang wikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-modernize ng ating panahon, tulad ng bekimons o mga gay-lingo at ito ang dahilan kung bakit ang kultura ng Pilipino ay nagiiba. Bakit hindi nalang natin ibahagi  sa iba ang kagandahan ng sarili nating wika at ipagmalaki sa buong mundo, ibahin natin ang pagiging modern.

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Wagner, Marjorie D.

Imahe
             Napapabago nito ang samahan ng mga Pilipino at nagkakaroon  ng pagkakaisa at pagkakaintindihan bilang isang mamamayan ng bansa at ito'y nagbibigay ng pagkakakilanlan. Kung marunong tayong magmahal ng sariling atin bakit tinatangkilik parin natin ang banyagang wika?. Hindi naman masama ngunit mas masama kung ang sarilint atin ay winawalang bahala.

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Aspilan, Alex L.

Imahe
              Sa tamang paggamit ng wikang Filipino ay napapabago nito ang sistema ng ating kabuhayan at kultura. Kung lahat ng mamamayan sa Pilipinas ay marunong magsalita ng wikang katutubo trayo ay magkakaunawaan, bunga nito ang pag-unlad ng bansa.

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Ellamil, Mark Denver A.

Imahe
        Nagbabago ang wikang Filipino sa kadahilanang  mas nabibigyan importansya  ang mga banyagang wika gaya ng English at iba pa kaya nawawalan ng sigla o buhay ang wikang pambansa.

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Newlie D. Teclaen

Imahe
       Sa pag usad ng panahon may mga bagagy na nagpapabago  sa paggamit ng wikang Pilipino at hirap ang mga tao mas lalo na ang mga matatanda dahil  sa pagbabago ng ating wikang ginagamit ngayon, hindi sila nakakasabay sa mga wika ng mga kabataan ngayon.

Paano napapabago o ano-anong mga pagbabago ang nagagawa ng wikang Filipino: Marjorie T. Pumihic

Imahe
              Dahil sa mga modernong salita napababago nito ang mga ginagamit na wika ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan na dapat na magpatuloy na gumamit ng sarili nating wika. Kaya naman lahat ng mga kabataan ay napapagaya na sa mga ito, isa pang dahilan ay mas tinatangkilik pa ng iba na gumamit ng wikang banyaga gaya ng english, hangul, spanish at marami pa. Sa tahanan din nagsisimula ang pagkatuto kung hahayaan nating matuto ng ibang wika ang ating mga nakababatang kapatid o mga anak talagang hindi magiging maganda ang epekto nito dahil mas ito ang tatangkilikin nila at makakasanayang gamitin. Mahalin natin ang sarili nating wika para sa ikauunlad dahil malaki ang ating matatamo kapag ito ang gamit natin.